Please take time to listen to my song and browse those most memorable days of my life

Ang sarap pakinggan na ang daming taong nagmamahal sayo at ang daming taong nandyan para suportahan ka sa mga desisyon mo sa buhay. Ngayon di na ako mag kakaila pero kelangan ko na din simulan ang buhay ko ng maayos. Alam ko naman nandyan kayo at hinding hindi na mawawala ang pagkakaibigan natin at hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit ano ang binigay niyo saking pagmamahal. Sobrang di ko kayo makakalimutan.

. Di bale na magkapagod pagod ako sa paghanap ng trabaho, alam ko namang nandyan lang kayo lagi sa likod ko. Hayaan niyo, susuportahan ko din kayo sa lahat ng bagay.

Salamat sa lahat. Sa walang puknat na tawanan natin, kahit gano kadami ang calls, tinatawanan lang natin. Kaya nating pangitiin ang isat isa, di man ako magaling sa pagbigay ng advise, siguro mapangiti ko lang kayo sa gitna ng problema niyo eh sobrang pakiramdam ko natulungan ko na kayo.

Para sa dalawang taong sobrang tinuring akong kapatid .. Ronnel, Ian.. Pasensya na di ko kayo maciado nasasabihan ng problema ko, pero sobrang salamat sa suporta. kahit wala na ko jan, buo pa rin tayo. Di nio talga kayang makita akong namomroblema… asahan nio kahit na anong mangyare tropa pa din tayo. Kapatid ang turing ko sa inyo, mananahimik na din ang pwesto natin ng konti kasi wala na c daldal sa gilid nio.
Melman, Glenn – Salamat sa tawanan, salamat sa kulitan, jan na muna kayo at magpakaseryoso sa buhay. Melman, good luck sayo,. alam mo yan. Glenn. magka emosyon ka naman.
Para sa batch57 .. Kayo ang nakakita ng pag mature ko sa account.

Batch 57
Batch61 … Ang pinakamasayang batch na nakasama ko. Mga kapatid ang turing ko sa inyo. Di ko naramdaman na nagkasiraan tayo. Kahit hanggang ngaun, kahit na madami na napromote sa inyo, madaming nag abroad, madaming umalis.. meron pa din tayong oras para magkita kita. Eto ang pinagmamalaki kong batch na walang tatalo kahit sino.. Di bale nang magkasiraan sila ng pangalan sa buong account, basta tayo tayo solid pa rin. Walang titibag sa pinagsamahan natin kahit sino. Siraan man nila tayo, wala tayong pakealam…. Alam nio na, see you this April

Batch 61
Hosting peeps ^^ salamat sa kulitan, sa tawanan, sa lahat… kelangan natin maging matapang sa lahat ng bagay..

Si panchet at ang abnoy niang kapatid
Frances – kahit na anong mangyari nandito lang ako. Salamat sa pag ampon sa bahay niyo. Salamat sa lahat at sa walang puknat na inuman. Dito pa rin ako para sa yo. Mamimiss ko ang pagiging maldita mo. Wala ka nang abnormal na kaibigan. Kung iisipin mo di natin akalain na kahit ga amerika pa ang layo ng personalidad natin , naging mas close tayo kesa sa inaasahan. Kahit na gano pa ikaw ka maldita, at kahit gaano man ako kaboring kasama, marunong kang rumespeto at marunong kang mag alaga ng kaibigan mo. Yan ang ugali mong sobrang pinagmamalaki ko. Anjan ka parati sa tabi ko, di nauubusan ng kwento. Nakakalungkot lang sa part ko na hindi na ako makakahanap ng kagaya mo.

Toots – Halos pareho pala tayo ng pinagdaanan kaya ang dali mo kong naintindihan. Salamat sobra sa payo mo. Ingatan mo din sarili mo. Mamimiss ko inuman natin at ang pinagsamahan natin. Minsan barumbado ka pero di mo yun pinakita sa harap ko. Salamat sa respeto. Salamat sa tawanan natin at sa pang aasar kay oni at leslie. Ang sarap mong takbuhan sa mga problema. Sabi nga ni Glorien, Kapag may problema ka, sabihin mo sa barumbado, kung ano ang sasabihin nila, totoo at walang halong biro.

Good times .... The Mang Dolphy and Panchito tandem
Mark – Kaw na lang ang dancer jan,iwan na kita, nasau na ang lime light woot!!. galingan mo sa lahat.ineexpect ko na pag nagkita tau captain ka na ng dance crew at conductor ka na ng choir at makikita mo na akong mataba. Nainspire mo ko sa pinagdaanan mo sa buhay. Mukha man walang kwenta akong kaibigan sau, kahit sabihin mo pang kaya mo sarili mo, pag naramdaman mo na sobrang kinailangan mo ng makakasama, pag sobrang iniwanan na kayo ni panchet ng lahat,
kahit nasan pa kayo gagawa ako ng paraan para matulungan kayo. Gud luck sa lahat. Wala nang taong mas hihigit pa sa pambubwiset ko sayo. Kahit sukdulan na ang panghahamak natin sa isat isa, at the end of the day,magkaibigang tunay pa din ang turingan natin. Kaw lang at c panchet ang kayang magsalita ng kagaguhan ay mali ko harap harapan para matuto ako at dun hinding hindi ko kayo makalimutan. Mamimis ko ang good old times natin.
Verns, Tito – Wala nang manggugulo sa samahan nio… hehehe joke. Wala na c black sheep. Normal na kau at mawawalan na ng spice ang tropahan nio kasi wala na c gagambala. Tito, alam mo na ang cnabi ko sayo. Maintain mo lang ang pagiging maalagain mo sa tropa mo at di ka mauubusan ng kaibigang magmamahal sayo. Masaya akot nakasama ko kau kahit papano, Verns, Stay wholesome dun ako impress sau.
Juju- Hehe.. salamat sa mga advise mo sakin, kahit paulit ulit pa, kahit hassle na hassle ka na, nakikinig ka pa din.. Maciado mo kong pinakikinggan.


Karlo – Ang supervisor na naksama ko sa gimikan.. Mis ko na gimik natin, pag dating ni Ryan gimik tayo ulet.. Same old routine,… Sorry kung di ako nakapagpaalam sayo ng maayos. Kaw ang da best na supervisor jan . Kahit anong mangyare Primeros pa din ako. Kita tau minsan pag gigimik.

Arlyn – Hahaha binigo mo nanaman ako, sinabi mo kay Glorien, di ka talaga makatiis. pero ok lang naman yun hehehe.

Glorien – Salamat sa walang kamatayang asaran natin at pagiging prangka sakin. Mamimiss mo din ang isda, wala na sayong manggugulo jan.


Sa lahat lahat ng naging katropa ko jan, kaibigan at kakulitan… salamat ng madami. part na kayo ng buhay ko. Di na kelangan banggitin pa ang pangalan niyo kasi nasa pornographic memory ko na kayo.

.. Gudluck sa inyo, gud luck sa lahat. Sana makita ko ulet kayong lahat. Sana di nio ko makalimutan. Maciado niyo ko pinasaya, kayo lang ang dahilan bat nagtatagal ako. Sobrang Salamat sa lahat…. wala akong dahilan para kalimutan ang pinagsamahan natin, … sobrang mahal ko kayo….

See you Later guys…. This is Larc, signing off…..
written by admin